Pusong Aso
Prerologo
Gabby: O aking pinakaminamahal na Kaye, ngayon ko lamang sasabihin sa iyo ito, itong nilalaman ng aking puso…(interupted)
Kaye: Tsu-tsu-tsu(snapping fingers) Gaaaaabby! O tuta kong si Gabby! Nasaan ka na?
Gabby: Arf-arf!
Music: Carnival music, malakas kaagad(Kunwari kasi nakakatawa)
Standard Intro:
Characters:
Gabby Aso ni Kaye
Poochie Best friend ni Gabby(Babae)
Brownie Galising kaibigan ni Gabby(Lalaki)
Kaye Amo ni Brownie
Claymore Manliligaw ni Kaye
Puti Aso ni Rudy
Eksena: Sa bahay ni Kaye
Gabby: (Self) Hay naku! Nabitin pa ako kanina. Ipagtatapat ko na sana sa aking amo ang nakatago kong pag-ibig para sa kanya, kaya lang, nabitin pa! Kungsabagay, hindi rin naman niya ako maiintindihan. Kahit na gaano kalakas ko man sabihin sa kaniya na minamahal ko siya ay wala rin siyang maiintindihan, puro kahol lang! Tsk-tsk, ang buhay nga naman, minsan akala mo’y napakalapit mo na, yun pala ay napakalayo pa!
Sfx: Kumakatok sa pintuan
Gabby: (Self) Sino kaya iyon? Kaw-kaw!!!(malakas)
Kaye: (Inaantok)Ano ba ‘yan Gabby, gabing-gabi na ay kumakahol ka pa. Ay! May tao pala sa gate!… (Pasigaw) Sino ‘yan?
Claymore: (Off Mike)Ah.. eh.. Magandang gabi po! Si Claymore po ito! Dadalawin ko po sana si Kaye.
Kaye: Claymore!!! Ikaw pala, tuloy ka, tuloy ka!
Sfx: Pagbukas ng pintuan at yabag ng mga paa.
Kaye: Uy, sorry ha… hindi ko kasi kaagad narinig yung katok mo, ang ingay kasi nitong si Gabby!
Claymore: Walang anuman iyon, kasalanan lang naman pala nitong mokong aso na ito eh… tsu-tsu… alis ka na dito!
Sfx: Kalabog
Gabby: (naasar) (Ngumingiwe)
Kaye: (Natatawa) Hahaha… (siyempre) Anyway(Emphasis dito), ano na pala ang nangyari sa inyo sa school kanina?
Claymore: Sa school? Hmmm… Ah, oo nga pala. (Fade out) ‘Yung teacher kasi namin, napaka…
Kaye at
Claymore: (Off mike sa background) Tawanan
Gabby: (On Mike sa Self) Grrrrrr… lokong Claymore iyan! Grrrrrrrr… Sinipa ba naman ako! Grrrrrrr… Pinagtawanan pa ako! Grrrrrrr… Mokong aso pala ha!… Grrrrrrrrr… Tingnan natin kung sino talaga tunay na mokong ha!
Kaye at
Claymore: (Fade in to On Mike) Tawanan
Claymore: O, paano na iyan Kaye, I need to go na, sa sobrang saya kasi natin ay nakalimutan ko na ang oras! Malamang ay hinahanap na ako sa bahay.
Kaye: Ah ganoon ba? So, alangan namang ikulong kita dito sa bahay. Just be sure na makakabalik ka dito ha!
Claymore: Siyempre pa! It would be my pleasure!
Kaye: O sige, samahan na lang kita sa pintuan…
Sfx: Pagkagat ng aso
Claymore: Araaaaaaaaaaay kooooooooooo!
Kaye: My God! Gabby! Itigil mo na iyan!
Gabby: Ngraaaaaaw…
Sfx: Pagpalo ng malakas
Gabby: (Ngumingiwe ulit)
Claymore: Buti nga sa iyo aso ka!
Kaye: (Nag-aalal)Nakupo! Sorry talaga Claymore ha… Mainitin lang talag ang asong ito sa mga bisita namin eh. Teka lang, nag-kasugat ka ba> May gamot kami para mga kagat ng aso.
Claymore: Wala, wala naman akong sugat. Buti na lang at sadyang napakahina ng aso mang iyan, dahil kung nagkataon, tsk-tsk, baka matuluyan ako!
Kaye: He! Sobra ka naman! (Tatawa ng kaunti)
Claymore: Hahahaha! Loko lang. Hindi mo rin naman kasi kasalanan iyon eh. Nakupo! Na-delay pa ako, alalang-alala na siguro ang nanay ko sa akin, kailangan ko na talagang umalis.
Kaye: O sige…
Sfx: Pagbukas ng pintuan; pagkatapos ay ang pag-start ng makina ng kotse(Vroom-vroom)
Claymore: Paalam!!!
Kaye: Paalam!!! Sorry talaga ha!
Claymore: Kalimutan mo na iyon! Paalam!
Sfx: Paga-andar ng kotse(Vrooooooooooooooom) pagkatapos ng ilang sandali ay biglang sasara ang pinto ng malakas.
Kaye: (Galit) Ano ka ba Gabby ha?!! Pinahiya mo ako kanina!!! Buti sana kung ibang tao iyon, pero si Claymore iyon eh!!! Si Claymore; C-L-A-Y-M-O-R-E; Claymore! Ang pinakabagong kilabot ng mga kolehiyala! Ang pinakagwapong nilalang sa buong Balara! Ang pangarap ng bawa’t isang babae na makasama! Hay naku, hindi ko na tuloy alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya ngayon… Bilang parusa sa iyo Gabby, sa garden ka matutulog ngayong gabi!
Gabby: (Ngi-ngiwe ulit)
Sfx: Music up and under, soft music(lonely)
Poochie: Kaw-kaw. O Gabby, mainit yata ang ulo mo ngayon ah? Kay aga-aga pa lang ay nakasimangot ka na. Ano ba ang nangyari kanina?
Gabby: (Sad)Woof-woof. Hindi kanina, Poochie, kahapon. Pinagalitan kasi ako ng amo ko.
Poochie: Kaw-kaw. Ano ba naman kasi nanaman ang pinaggagagawa mo at pinagalitan ka?
Gabby: Arf-arf. May manliligaw kasi si amo, eh inaasar ako… hindi naman ako papayag duon!
Poochie: Tapos… ano’ng ginawa mo?
Gabby: Ano pa ba? Eh di kinagat ko siya!
Poochie: Woof-woof. Ngyak! Kaya naman pala eh! Papaano naman palang hindi ka papagalitan eh kinagat mo pala ‘yung manliligaw niya. Siyanga pala, saan mo ba kinagat?
Gabby: Saan pa ba? Eh di sa pwet! Ang laki-laki kasi eh! Hahahaha!
Poochie: (Mabagal)Okey… O ayan, (Mabilis na) tingnan mo, tumatawa ka na tuloy!
Gabby: Oo nga eh, masaya ka kasi talagang kasama!
Poochie: Woof! Maiiwasan ko ba? Eh sadyang masiyahin ka rin naman ano!
Gabby at
Poochie: (Tawanan)
Sfx: Brief silence, tapos tilaok ng manok
Brownie: Aba Gabby, ba’t mo ba kami tinipon dito? Aber… ang aga-aga palang ah!
Poochie: Siyanganaman Gabby, hindi pa nga ako nakakapag-halungkat almusal ko diyan sa basurahan!
Gabby: O siya-siya(seryoso), hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi ba’t nung isang araw kasi ay nagalit si Kaye sa akin?
Brownie at
Poochie: Oo… tapos?
Gabby: Napagisipan ko kasi na dapat akong humingi ng paumanhi sa kaniya… para mabawasan man lang yung galit niya sa akin ng kahit na kaunti.
Brownie: So? Ano ngayon ang plano mo?
Gabby: Plano? Aber… madali lang itong plano ko. Kakantahan natin siya… Matagal naman na kasi akong nagsasanay eh! Tuwing pumapasok ang kotse niya sa garage ay kinakantahan ko sila! Napakalakas pa nga ng boses ko palagi eh, ‘rinig pati ng mga kapit bahay. Kadalasan pa nga kasi, pinapanood pa ako ng mga kapitbahay! Kaso, gahaman ‘tong sina amo kaya’t tinatali ako sa likod ng aming bahay! Grabe talaga nga naman oh! Gustong-gusto talaga nila ang boses ko!
Brownie: O’ tama na ‘yan tinatangay na ako ng hangin mo.
Poochie: (Konting tawa)Hi-hi-hi. Ano ba naman ang kakantahin natin? Baka naman kasi ay hindi namin alam iyan.
Gabby: Pinagiisipan ko nga kung iyong "Sorry" ni Jun Lapito o ‘yung "Ipagpaumanhin mo Sana" ni Ramon Fernandez. O’ ano sa tingin ninyo? "Yung dalawa lang kasi ang memoryado ko eh.
Brownie: Para sa akin?… Mahirap yata iyan… pero sa tingin ko’ mas maganda ‘yung "Ipagpaumanhin mo sana". Nag-number one yata iyon eh.
Gabby: Ikaw naman Poochie.
Poochie: Hmmm… baka hindi maibigan ni Kaye ang napili ni Brownie, pa-cono kasi ‘yang amo mo Gabby eh, hindi mahilig sa Filipino, baka asarin ka lang niya! Ang "in" kasi ngayon ay ang puro imported… Alam mo ‘yon? Kailangan ka kasing sumunod sa "Uso" para matawag kang "cool" at hindi "baduy". Kaya, mas maganda kung ingles na lang, ‘yang "Sorry" na lang ang kantahin natin! Tama! "Sorry" na lang ang kantahin natin. Magtiwala ka sa akin dahil babae rin naman ako. Alam ko ang mga bagay na ganyan. Sigurado akong maiibigan ni Kaye iyan!
Gabby: Kungsabagay, may punto ka rin naman Poochie. Mas maganda nga siguro kung "Sorry" na lang ang kantahin natin. Ikaw Brownie? Ayos lang ba sa ‘yo ito?
Brownie: Hindi naman ako talaga sangayon sa desisyon mo, pero, sa tingin ko nga rin ay mas makabubuti kung ito na lang ang kantahin natin.
Gabby: Ayan(Medyo masaya, kuntento na). So… magpraktis na lang tayo diyan sa may kalye mamayang gabi kung kelan tulog na ang lahat ng tao para walang makaririnig sa atin. Siguro… mga alas-dose ng hatinggabi. Ayos lang ba sa inyo iyon?
Brownie at
Poochie: Oo ba!
Poochie: Kaya lang… baka mahirapan akong makatakas sa amo ko… Lagi kasing kinakandado ang gate tuwing gabi. Hmmm… kaya ko namang tumakas. Konting sik-sik lang sa may sulok at… huala! Lusot na ako!
Gabby: Sigurado ka Poochie ha? Dahil kung hindi, madali lang namang i-cancel ito.
Poochie: Oo, yakang-yaka ito.
Gabby: Paano ka naman Brownie?
Brownie: Ako? Kailangan mo pa bang tanungin ako? Paano pa ba ako tatakas sa bahay ko eh sa wala na akong bahay!
Gabby: Ay, oo nga pala!
Lahat: Tawanan.
Gabby: O sige, basta mamayang gabi ha!
Gabby at
Poochie: Oo!
Sfx: Tuko at kulig-lig up and under.
Poochie: (Self)Nakupooooo… paano na iyan. Pinangako ko kay Gabby na makakapunta ako. Pero sa tingin ko ay mahihirapan ako. Baka… baka magalit siya sa akin! Baka hindi na niya ako kausapin kahit kailan! Baka itakwil na niya ako bilang kaibigan! Nakupooo… gagawin ko na ang lahat para lang makarating ako mamaya.
Sfx: Mga yabag ng Paa.
Poochie: Nakupo! Andiyan na si amo… Teka lang, may naisip na ako! (Malungkot) kaya lang, masayado itong delikado. Hindi, gagawin ko ang lahat para lang makasama si Gabby!
Amo ni
Poochie: Tsk-tsk… Poochie… lapit ka nga dito… tsk-tsk…
Poochie: (Self)Ngayon na!
(Non-self) Kaw-kaw!
Amo ni
Poochie: (Paisgaw) Putcha! Poochieeeeeee!
Poochie: Ngrawghuwerhgkjrhejhlskelhjeiuhgiauwehq!
Amo ni
Poochie: Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!
Sfx: Pagbagsak. Tapos sandaling katahimikan.
Gabby: Hmmmm… Matagal na tayong nag-aantay dito ah… Wala pa rin si Poochie. Baka ininjan na tayo.
Brownie: Huwag kang mag-alala Gabby, sigurado akong darating si Poochie. Kilala ko iyan, wala pa akong alam napagkakataong nang-iwan siya.
Gabby: Tama ka nga sana…
Sfx: ` Kaluskos.
Gabby: Huh? Poochie!
Brownie: Oh Pooch… akala namin ay hindi ka na darating. Ano ba ang nangyari sa iyo? Teka lang ba’t parang may pasa ka diyan?
Poochie: Sorry nga pala kung natagalan ako, na… na…(nag-iisip ng sasabihin) nadulas kasi ako kanina! Una pa ang ulo kong bumagsak! Kaya ito tuloy, may pasa ako.
Gabby: Ah ganoon ba? Aber, magsimula na tayo!
Lahat: (Off Mike) Adlib ng katuwaan.
Neighbor1: (On Mike)(Inaantok) Honey, ano ba naman yang mga aso ng kapit bahay natin… ang ingay-ingay.
Neighbor2: (On Mike)(Inaantok) Hay nakupo, bayaan mo na lang iyan, wala kasing pakialam iyang may-ari ng mga asong iyan kung nakabubulabog na sila ng ibang tao eh…
SFX(Music): Carnival music/spoof music up and under. Sandaling katahimikan tapos tilaok ng manok.
Poochie: (Self) Huhuhu… ayaw na akong tanggapin ng amo ko. Wala na akong matitirhan. Basta’t para sa iyo Gabby, gagawin ko.
Sfx(Music): Theme song (Lonely/dramatic music) up and under.
Gabby: (Pabulong)O, mga kids, palabas na siya ng kwarto niya, maghanda na kayo…(mag-aantay for 3 secs.) ayan na!
Lahat ng
Aso: (May tono ito kahit papaano) Kaw-kaw! Awoo-awoo! Arf-arf!
Kaye: Eeeeeeeee! Ano ba itong mga asong ito! Magsilayo kayo! Puro kayo ginagalis! At ang ingay niyo pa! Eeeeee!
Sfx: Tadyak.
Gabby: (Off Mike) Kaw-kaw, takbo na tayo!!!
Lahat ng
Aso: Ngumingiwe.
Sfx(Music): Theme song
Gabby: (Umiiyak)Huhuhuhuhu… lalong nagalit sa akin si Kaye. Maganda naman yung pagkanta natin hindi ba? Ano kaya duon ang hindi niya naintindihan? Huhuhuhuhu… Siguradong hindi na niya ako tatanggapin sa bahay niyan.
Brownie: Huwag kang magmuk-mok diyan. Pwede ka namang sumama sa akin sa bangketa. Tuturuan din kitan kumuha ng masasarap na pagkain mula sa mga basurahan. Hindi kita iiiwan pare…
Gabby: Salamat Brownie. Isa ka ngang tunay na kaibigan.
Brownie: Basta’t ikaw Gabby, kahit kailan, ayos lang!
Gabby: Eh di, si Poochie na lang pala ang natirang may bahay dito sa atin.
Poochie: Ah-eh… may ipagtatapat nga rin ako sa inyo tungkol diyan.
Gabby at
Brownie: Ano naman iyon?
Poochie: Kagabi kasi, hindi naman talaga ako maaaring makapunta sa praktis natin. Hindi naman talaga ako maaaing makatakas kasi eh.
Brownie: Eh, paano ka nakapunta?
Poochie: Ginalit ko ang amo ko…(napapaiyak na) kinagat ko siya…
Gabby: Sa pwet?
Poochie: Oo… sa pwet rin. Tinadyakan niya ako sa ulo, kaya ako nagka-pasa eh, tapos tinapon niya ako sa labas ng bahay namin. Huhuhuhuhu…
Gabby: Bakit mo naman ginawa ito? Hindi ba’t tinanong kita kung ayos lang sa iyo ang sumama? Bakit ka pa nagsakripisyo para lang makasama sa amin?
Sfx(Music): Love Song –Off mike
Poochie: Bakit ko iyon ginawa? Ginawa ko kasi iyon para sa iyo Gabby. Ang totoo kasi ay mahal na mahal kita kaya’t nagawa kong iskripisyo ang pakikisama ko sa amo ko para lang makasama kita. Ayaw kong masira ang mga pinaplano mo kahit na ang ibig sabihin nito ay mapapalayo ka sa akin. Mahal nga kita ngunit mas gusto kong magi kang masaya.
Gabby: Oh Poochie, bakit ngayon mo lang nasabi ito?
Poochie: Nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin iyo.
Gabby: Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa iyo. Ngunit dati pa man ay may nararamdaman na rin akong kakaiba tuwing kasama kita. Hindi ko maipaliwanag ngunit lagi na lang akong nagiging masaya tuwing kasama kita. Para bang, na-mamagnet ako sa iyo. Hindi ko nga lang rin kayang sabihin sa iyo dahil simula’t-simula pa ay inakala kong hanggang kaibigan lamang ang pagtingin mo sa akin. Ngunit ngayon ay alam ko na…
Poochie: At ngayon ay alam ko na rin…
Sfx(Music): Off Mike music will become On Mike for 5 seconds.
Narrator: At nang linggong iyon ay nadagdagan ng siyam ang populasyon ng mga asong nakatira sa bangketa.
Sfx: Maraming mahihinang kahol
Sfx(Music): Happy music Up.
Standard Extro